Ipinagtanggol sa mababang kapulungan nina Gov Chief Negotiator Marvic Leonen at OPAP Sec. Teresita Deles ang positibong maidudulot ng nilagdaang framework agreement sa pagitan ng MILF at government panel para sa bangsamoro sa mindanao.
Ang dalawa ay inimbitahan para sa joint committee meeting ng Peace, Reconcillation and Unity Mindanao Affairs and Muslim Affairs.
SOT Sec. Teresita Deles
OPAP
Matamang inisa isa ng mga kongresitang mula sa mindanao ang kanilang mga di naiintindihan sa Framework Agreement on the Bangsamoro.
Ilan sa mga ikinababahala ng mga ito ay ang sensiridad ng mga MILF at ang ngayon pa lamang ay nag aalburuto ng grupo ng MNLF.
Napagtuunan din ng pansin ang bubuing transition commission na syang babalangkas ng mga guidelines para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaang ito.
SOT Chairman Marvic Leonen
Hindi maiwasang maghayag ng pangamba ang ilang mga mambabatas na mula sa mindanao kung paano talaga maipapatupad ng maayos ang nilagdaang kasunduan.
At para mapatunayang sensero ang mga kausap ng pamahalaan hinimok ng mga itong tulungan ang pamahalaang masakote ang ilang mga miyembro nito na nagsagawa ng kaguluhan sa kanilang lugar may ilang taon na rin ang nakakaraan.
SOT Rep. Imelda Dimaporo -
1st Dist Lanao del Norte
Binigyang diin naman ng kamara na talagang di madaling hanapin ang anumang solusyon sa kapyapaan subalit nakikikta nila ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaang aquino para mapagtagumpayan ito.
SOT Dept. Speaker Lorenzo Tanada
No comments:
Post a Comment