Wednesday, 3 October 2012

Pinunong lokal ng Tawi-Tawi, pinapurihan si PNoy kaugnay ng kanyang mga proyekto


Minsan pang pinatunayan ng pamahalaang Aquino na walang imposible kung pag-uusapan ay paglilingkod sa malalayong lugar tulad ng lalawigan ng Tawi-Tawi. Dala ng matataas na opisyal mula sa national government at Autonomous Region in Muslim Mindanao dalawang importanteng tulay na mag-uugnay sa kabiserang Bongao Island sa mainland ng Tawi-Tawi ang mga kalsada, tulay at water supply facilitiess na kauna-unahang itatayo dito sa lalawigan.

Akala nga ng mga taga rito malabo ng maganap ang kanilang mga pangarap subalit sa administrasyong Aquino pala ito magkakaroon ng kaganapan.

SOT Gov. Sadikul Sahali
         Tawi-Tawi

SOT Mayor Jasper Que
        Bongao, Tawi Tawi

Nagkaroon ng katuparan ang mga proyektong ito sa malinis na pamunuan ngayon ng ARMM bukod kasi sa mga repormang dito ay pinatutupad sinisiguro nilang ang mga proyektong tulad ng ganito ay makarating sa iba't iba nating mga kababayan.

Sisiguruhin nilang maipapatupad ng tama ang mga proyektong ito sa lalong madaling panahon bukod pa sa kalsada at mga tulay na ito na napakikinabangan na ng mamamayan.

SOT Emil Sadain
        DWH ARMM

Para sa mga taga rito simple lang ang mensaheng naipararating sa kanila ng pamahalaang Aquino at ng ARMM. Ang mensaheng hindi sila pinababayaan at ang mga kaganapang ito sa kanilang lugar ay masasabing katuparan na ng kanilang mga pangarap.

No comments:

Post a Comment