Ang sarap pagmasdan ng mga ngiting ito mula sa dating mga bingot, ngongo at iba pang dating may depekto sa kanilang mukha na hindi mo halos mapansin ngayon dahil sa nabigyan na ito ng karampatang lunas.
Sa pamamagitan ng serbisyong handog ng Noordhoff Craniofacial Foundation Philippines Inc. muling nabigyan ng panibagong pag-asa ang mga ito na hindi gumastos ng malaking halaga.
Inabutan namin sa Our Lady of Peace Hospital sa Paranaque ang mga pasyenteng ito na ang iba'y nagamot na at bumabalik na lamang para sa karagdagang theraphy. Samantalang ang iba naman ay umaasang mapag uukulan ng pansin ng mga doktor na boluntaryong naglilingkod kasama ang mga ngiting ito sa kanilang mukha.
SOT Mel Maranan
Executive Director, NCF
Eksaktong inaasikaso ng doktor na ito ang kanyang dating pasyente na inoperahan may ilang buwan na ang nakalipas. Sa murang isipan ng batang ito hindi mo na halos mapansin maging sa kanyang kaanyuan na dumaan sya sa problemang pisikal na naayos na ng mga dalubhasa. Kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang ina sa pangyayaring ito.
SOT
Si doktora kikita sana ng malaki kung sa malalaking ospital nya ginawa ang operasyon subalit mas pinili nya na dito magtrabaho. Kakaibang pakiramdam daw ang kanyang nararanasan.
SOT Dr. Faye Paloyo
Volunteer Surgeon
Ang pamunuan naman ng ospital kasama rin sa adhikain ng NCF na matulungan ang may mga karamdamang kapus palad na mula pa sa kung saang mga lalawigan ng bansa.
SOT Sis Eva Maamo
Pres. Our Lady of Peace Hospital
Ang pamunuan naman ng ospital kasama rin sa adhikain ng NCF na matulungan ang may mga karamdamang kapus palad na mula pa kung saang mga lalawigan ng bansa.
SOT Sis Eva Maamo
Pres. Our Lady of Peace Hospital
Hindi lang pala natatapos sa operasyon ang kapansanan ng mga ito. Kinakailangan pa nilang dumaan sa isang speech lesson para mapanumbalik nila ang normal na pagsasalita tulad ng eksenang ito.
NATSOUND
Nakakatuwa namang hindi lang pala mga doktor at kauri nito ang nagbibigay ng boluntaryong serbisyo pati ating mga kababayang tulad nila ay boluntaryo ring naghahanap ng mga ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng kanilang smile jeep na maghahatid ng libre sa ospital na ito sa mga pasyente mula sa iba't ibang lugar ng ating bansa.
Kaya sa mga nanonood ngayon ng balita kong ito na may mga kakilalang nangangailangan ng tulong para sa ganitong sitwasyon tawagan nyo lang kami sa PTV 4 o kaya sa kanilang mismong telepono na 4686449.
SOT Mel Maranan
No comments:
Post a Comment