Monday, 29 October 2012

Mga retiradong militar at pulisya, tatanggap ng karagdagang biyaya


Bukod sa nabunutan ng ngipin nabunutan din ng tinik ang ilan nating mga kababayang dating sundalo at pulis sa Barangay 183 Airmens Village Villamor Airbase.

Ito'y dahil sa libreng gamutang handog ng FILVETS o Filipino War Veterans Foundation Inc.

Bukod sa libreng check up, may iba't ibang klase pang bakuna,bunot ngipin at libreng gamot para sa mga ito.

SOT Lt Gen Raul Urgello 
       AFT (Ret) Exec Dir/COO
       FILVETS

Ang dating sundalong ito ay inabot ng atake sa puso may ilang taon na ang nakakalipas at dahil sa hirap ng buhay hindi madaling bumili ng katulad nitong wheelchair na makakatulong sa kanyang mga pagkilos.

SOT

Ang dating marine namang ito hindi na halos kami magkaintindihan dahil nabingi na raw sya sa dami ng putok nang baril na kanyang naranasan noong sya ay nasa field pa at nakikipag laban.

Kaya ngayong may libreng gamot at iba pang alalay sa kanila bagay na malaking tulong sa kanilang buhay .

SOT

Surigao Del Norte, ipinagmamalaki ang pebble beach nito


Kilala ang Pilipinas sa pagkakaron ng magagandang beach resort, dahil dito ay dinadayo ito ng mga lokat at dayuhang turista. Pero dito sa Surigao Del Norte umagaw ng aming atensyon ang may apat na kilometrong kakaibang beach na ito. Sa halip na buhangin iba't ibang klaseng bato ang nakalatag sa dalampasigan na syang magsisilbing apakan ng sinumang magsisilangoy dito.

Subalit sa kabila ng puro batong ito dinadagsa pa rin ito ng mga nais magpalipas ng oras at mag relax kahit panumandaling panahon.

Ang grupong ito ay reunion ang dahilan kung bakit sila narito.

Mga musmos pa raw sila ay ganito na ang hitsura ng kanilang pebble beach na kanilang binabalik-balikan.

SOT Kenneth Austria 

At dahil sa di pwedeng maglaro ng sabuyan ng buhangin dito ginamit na lang daw itong panligo sa banyo at panlinis ng libag.

SOT Kenneth Austria         

Ang grupo ng mga kabataang ito nasiyahan na lang sa ganitong laro kaysa naman daw sa magkabukulan pag nagkatamaan. At ang mag ama namang ito mukhang may paggagamitan ng mga batong ito kaya halos punuin na nila ang kanilang bangka.

Sa ngayon kilalang kilala na sa Surigao ang Mabua Pebble Beach Resort na ito.

Isang bagay lang talaga ang di ko nagawa ng ako'y narito, ang kantahin at gumawa ng isang kastilyong buhangin.

Imahe ni San Pedro Calungsod, nakauwi na


Walang pagsidlan ng tuwa ang taumbayan  ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang imahe ni San pedro kalungsod mula sa Roma. Lulan ng Cathay Pacific plane mula sa Hong Kong. Ang mga tao nag wawagaywayan, sumisigaw at puro nakangiti larawan ng pananabik sa mahal na santo. Ayon sa paring taga buhat nito isang karangalan ang maging opisyal na taga dala  ng santo mula sa Vatican ang maging ngayong nasa Pilipinas na ito.

SOT Fr. Charls Jaime
       Priest from Cebu

Mananatili sa Luzon ng may ilang araw ang imahe ng banal na santo habang iniiikot ito sa ibat ibang simbahan.

Ayon sa pamununan ng CBCP isang malaking hamon sa pananampalatayang Kristiano ang pagiging santo ni Calungsod na sana ay magsilbing magandang halimbawa sa atin na magpalagananap ng kanyang iniwang magandang mensahe.

SOT Fr. Francis Lucas
       Sec Gen CBCP

Ipinapanukala ngayon ng iba't ibang grupo na gawing official saint ng mga OFW si Calungsod  dahil sa pagiging immigrant nito habang nagpapakalat ng mga mabuting balita ng Diyos.

Bagay na sinasangayunan naman ng Commission on Canonization na Sec General si Amb. Tita de Villa.

SOT Amb. Henrieta de Villa

Ngayong nandito na sya sana naman marami pang mananampalatayang Katoliko ang magsilbing taga sunod ng banal na santo na si San Pedro Calungsod.

Friday, 26 October 2012

Bagong sementeryo sa Cainta, binuksan na


Ilang araw bago ang Undas dalawang ektaryang bagong pampublikong sementeryo ang binuksan ngayong araw na ito sa bayan ng Cainta, Rizal.

At sa darating na linggo apat na kaagad ang dito ay nakatakdang ilibing.

Kakaiba kung ikukumpara sa ordinaryong libingang bayan ang hitsura nito.

Mukhang kahit mag uulan ngayong darating na undas di ito babahain.

SOT Mayor Mon Ilagan
         Cainta Rizal

Iba't ibang klaseng libing ang dito ay available.

Tulad ng apartment type na ito sa halagang 8,500 limang taon na ang kontrata mo.

Mayroon ding mga bakante pa kung gusto naman ninyong baon ang libing.

Samantalang sa may gilid ng mga pader na ito dito naman available ang mga musuleyo na medyo mahal nga lang ang tapat na kabayaran.

Hindi rin biro ang pinag daanan ng mga lokal na lider bago tuluyang natapos.

At ngayong tapos na at bukas na sa publiko sasabayan na rin ng pagbabayad sa bangko na kanila naming pinag kautangan.

SOT Mayor Mon Ilagan
         Cainta Rizal


Kaya ngayong malapit na ang Undas isang bagay lang ang nasisiguro ko….. ito na marahil ang sementeryong wala pang gusting dumalaw dahil di pa aabot ng sampu ang mga nakalibing dito.

Kayo gusto nyo bang mauna na rito?

Tuesday, 23 October 2012

Right to food tool kit, inilunsad


Maraming karapatan ang bawat nilalang sa mundo, subalit isang karapatan na dapat ay batid ng lahat ay ang right to food.

Kaya naman itinapat ng grupong Economic Social and Cultural Rights Asia at ng UN Food and Agriculture Organization o UNFAO ang paglulunsad ng Right to Food Tool Kit: The Justice of Eating.

Nilalaman ng isang libro ang mga bagay bagay na nagtuturo at mga basehan kung paano matatawag na hindi nalalabag ang right to food ng bawat Pilipino.

Sot  Minerva Gonzales
        Chairperson ESCR Asia

Siniguro naman ng pamahalaan na ang karapatang ito ng bawat Pilipino ay nabibigyan ng katugunan.

Sa katunayan binangit ng National Anti Poverty Commission na binigyan na ito ng atensyon ng pamahalaang Aquino.

Inuna umano ang sapat na pondo na syang pagmumulan ng lahat para maisakatuparan ang nasabing programa.

Sot Patrocinio Esguerra
      Usec (NAPC)

Monday, 22 October 2012

Mga doktor at civil society groups, hindi suportado ang Recto version ng Sin Tax Bill


Kung mailulusot ang bersyon ni Senador Miriam Defensor Santiago sa Sin Tax Bill mahigit limampung libo pa ang maiiligtas na posibleng magkasakit at mamatay dahil sa patuloy na paninigarilyo.

Ito ang paninindigan ng Civil Society Groups, mga doctor at ekonomista mula sa University of the Philippines hingil sa kontrobersyal na sin tax bill.

Binatikos din ng mga ito ang hilaw at kumakamping bersyon ni Senador Recto sa industriya ng tabako.

Sot Antonio Dans, MD
      Professor, UP College of Medicine

Naniniwala ang grupo na bukod sa kikita ng malaki ang pamahalaan sa pinakahuling bersyon mas madami pang mamamayan ang maililigtas at kokonti na ang maninigarilyo sa bansa.

Binigyang diin ng mga ito na matamang binabantayan nila ang mga senador sa kanilang mga kilos tungkol sa sin tax bill.

SOT Prof Solita Monsod
       Up economics

Sa ngayon lumalabas sa kanilang pagbabantay na pitong senador ang nakikita nilang pro health bill, lima ang anti health at siyam ang di pa tiyak ang kanilang posisyon hingil sa nasabing usapin.

Tuesday, 16 October 2012

Sec. Teresita Deles at GPH Chief negotiator Leonen, humarap na sa Kamara


Ipinagtanggol sa mababang kapulungan nina Gov Chief Negotiator Marvic Leonen at OPAP Sec. Teresita Deles ang positibong maidudulot ng nilagdaang framework agreement sa pagitan ng MILF at government panel para sa bangsamoro sa mindanao.
Ang dalawa ay inimbitahan para sa joint committee meeting  ng Peace, Reconcillation and Unity Mindanao Affairs and Muslim Affairs.
SOT Sec. Teresita Deles
         OPAP
Matamang inisa isa ng mga kongresitang mula  sa mindanao ang kanilang mga di naiintindihan sa Framework Agreement on the Bangsamoro.
Ilan sa mga ikinababahala ng mga ito ay ang sensiridad ng mga MILF at ang ngayon pa lamang ay nag aalburuto ng grupo ng MNLF.
Napagtuunan din ng pansin ang bubuing transition commission na syang babalangkas ng mga guidelines para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaang ito.
SOT Chairman Marvic Leonen
Hindi maiwasang maghayag ng pangamba ang ilang mga mambabatas na mula sa mindanao kung paano talaga maipapatupad ng maayos ang nilagdaang kasunduan.
At para mapatunayang sensero ang mga kausap ng pamahalaan hinimok ng mga itong tulungan ang pamahalaang masakote ang ilang mga miyembro nito na nagsagawa ng kaguluhan sa kanilang lugar may ilang taon na rin ang nakakaraan.
SOT Rep. Imelda Dimaporo -
      1st Dist Lanao del Norte
Binigyang diin naman ng kamara na talagang di madaling hanapin ang anumang solusyon sa kapyapaan subalit nakikikta nila ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaang aquino para mapagtagumpayan ito.
SOT Dept. Speaker Lorenzo Tanada

Friday, 12 October 2012

Isang grupo ng mga kababaihan, gagamit ng social media para sa disaster risk reduction campaign

Gagamit na ng twitter at facebook ang grupo ng mga kababaihan para sa kanilang kampanya sa disaster risk reduction at kung paano mababawasan ang iba't ibang banta ng panganib sa ating kapaligiran.

Ayon sa grupong ito panahon na para maging handa sa anumang sakuna para di tayo magulat kung sakaling dumating ito.


Ikinatuwa din ng grupo na maging ang NDRRMC na pinamumunuan ni USec Benito Ramos ay nagpahatid ng kahandaang makiisa sa kanilang programa.

SOT Kala Constantino
       Spokesman, OXFAM

Tinawag nila itong ICommit kung saan sinumang nais makiisa sa programa ay maaaring mag commit sa internet hingil dito.

Samantala kilala si Tado bilang isang komedyante subalit pagdating sa kampanyang tulad nito seryoso itong nakikipagtulungan. Isa syang taga marikina at biktima ng bagyong Ondoy kaya ngayong may ganitong kampanya handa syang tumulong.

SOT Tado Jimenez
       Comedian/Actor

Thursday, 11 October 2012

Lolong, patuloy na dinarayo ng mga turista

Bago kami magkita ni Lolong umagaw ng aming atensyon ang bahay na ito sa bayan ng San Francisco, Agusan Del Sur. Isang kungkretong building  na liyon ang hitsura. At dahil sa kakaiba ang dating nito di maiwasang tumigil ang mga mamamayang unang napadaan sa kanilang lugar.

Napakahalaga daw sa may-ari nito ang liyon na nagpabago sa kanyang buhay kaya't ginawa nya itong tema sa kanyang ipinatayong bahay.

Samantala marami na akong nabalitaan tungkol sa buwayang si Lolong, kaya naman ngayong personal ko syang nakita sa kinaroroonan nitong Eco-Tourism Park sa bayan ng Bunawan, Agusan Del Sur, namangha din ako sa kakaiba nyang laki lalo na't kumpirmado na syang the biggest crocodile in captivity sa buong mundo.

Animoy tulog at namamahinga si Lolong ng aming madatnan. Ayon sa kwento sa amin ng mga tagapangalaga ng Eco Park, katatapos pa lamang nitong kumain kaya nagpapahinga sya. Ordinaryong araw ng kami ay mapasyal dito kaya pailan-ilan lamang ang mga taong nakita namin.


Ang dalawang magkaibigang ito ay aliw na aliw na pinagmamasdan si Lolong. Nagpapasalamat daw sila dahil kay Lolong nakilala na ngayon ang kanilang lugar na dati'y di pinapansin lalo na ng mga turista.

SOT Angie Lucas
       Bumibisita kay Lolong

SOT Fely Torralba
       Bumibisirta kay Lolong

Mura lamang ang singil para masilayan si Lolong sa halagang bente pesos pasok ka na sa kanyang tirahan.

Sinubok ko syang bulabugin sa pamamagitan ng paghahagis ng konting barya subalit kakaiba si Lolong di tulad ng iba dyan basta't pera na ang usapan kahit mukhang tao nagiging buwaya.

Wednesday, 10 October 2012

NCF, tutulungan ang mga pasyenteng may karamdaman sa mukha

Ang sarap pagmasdan ng mga ngiting ito mula sa dating mga bingot, ngongo at iba pang dating may depekto sa kanilang mukha na hindi mo halos mapansin ngayon dahil sa nabigyan na ito ng karampatang lunas.

Sa pamamagitan ng serbisyong handog ng Noordhoff Craniofacial Foundation Philippines Inc. muling nabigyan ng panibagong pag-asa ang mga ito na hindi gumastos ng malaking halaga.

Inabutan namin sa Our Lady of Peace Hospital sa Paranaque ang mga pasyenteng ito na ang iba'y nagamot na at bumabalik na lamang para sa karagdagang theraphy. Samantalang ang iba naman ay umaasang mapag uukulan ng pansin ng mga doktor na boluntaryong naglilingkod kasama ang mga ngiting ito sa kanilang mukha.

SOT Mel Maranan
         Executive Director, NCF

Eksaktong inaasikaso ng doktor na ito ang kanyang dating pasyente na inoperahan may ilang buwan na ang nakalipas. Sa murang isipan ng batang ito hindi mo na halos mapansin maging sa kanyang kaanyuan na dumaan sya sa problemang pisikal na naayos na ng mga dalubhasa. Kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang ina sa pangyayaring ito.

SOT

Si doktora kikita sana ng malaki kung sa malalaking ospital nya ginawa ang operasyon subalit mas pinili nya na dito magtrabaho. Kakaibang pakiramdam daw ang kanyang nararanasan.

SOT Dr. Faye Paloyo
         Volunteer Surgeon

Ang pamunuan naman ng ospital kasama rin sa adhikain ng NCF na matulungan ang may mga karamdamang kapus palad na mula pa sa kung saang mga lalawigan ng bansa.

SOT Sis Eva Maamo
        Pres. Our Lady of Peace Hospital

Ang pamunuan naman ng ospital kasama rin sa adhikain ng NCF na matulungan ang may mga karamdamang kapus palad na mula pa kung saang mga lalawigan ng bansa.

SOT Sis Eva Maamo
        Pres. Our Lady of Peace Hospital

Hindi lang pala natatapos sa operasyon ang kapansanan ng mga ito. Kinakailangan pa nilang dumaan sa isang speech lesson para mapanumbalik nila ang normal na pagsasalita tulad ng eksenang ito.

NATSOUND


Nakakatuwa namang hindi lang pala mga doktor at kauri nito ang nagbibigay ng boluntaryong serbisyo pati ating mga kababayang tulad nila ay boluntaryo ring naghahanap ng mga ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng kanilang smile jeep na maghahatid ng libre sa ospital na ito sa mga pasyente mula sa iba't ibang lugar ng ating bansa.

Kaya sa mga nanonood ngayon ng balita kong ito na may mga kakilalang nangangailangan ng tulong para sa ganitong sitwasyon tawagan nyo lang kami sa PTV 4 o kaya sa kanilang mismong telepono na 4686449.

SOT Mel Maranan

Sunday, 7 October 2012

Kauna-unahang online Nutrition Tracker, inilunsad



Inilunsad na sa kauna-unahang pagkakataon ng isang drug company ang online nutrition tracker na syang magmomonitor sa lifestyle at diet ng mga Pilipino. Reaksyon ito sa isinagawang research ng FNRI (Food and Nutrition Research Institute) na nagpakita na ang mga mamamayan ay hindi nakakatanggap ng sapat na nutrisyon mula sa kanilang mga kinakain.

Sa Innovative online tool na ito ay pwede mong i-input kung ano ang iyong mga kinain at macacalculate nito ang mga nutrition facts na nakuha sa kinain mo at kung ano ang kulang sa katawan mo.

SOT  Prof. Liezl Atienza
       Institute of Human Nutrition and Food
       College of Human Ecology UP Los Banos

Wednesday, 3 October 2012

Pinunong lokal ng Tawi-Tawi, pinapurihan si PNoy kaugnay ng kanyang mga proyekto


Minsan pang pinatunayan ng pamahalaang Aquino na walang imposible kung pag-uusapan ay paglilingkod sa malalayong lugar tulad ng lalawigan ng Tawi-Tawi. Dala ng matataas na opisyal mula sa national government at Autonomous Region in Muslim Mindanao dalawang importanteng tulay na mag-uugnay sa kabiserang Bongao Island sa mainland ng Tawi-Tawi ang mga kalsada, tulay at water supply facilitiess na kauna-unahang itatayo dito sa lalawigan.

Akala nga ng mga taga rito malabo ng maganap ang kanilang mga pangarap subalit sa administrasyong Aquino pala ito magkakaroon ng kaganapan.

SOT Gov. Sadikul Sahali
         Tawi-Tawi

SOT Mayor Jasper Que
        Bongao, Tawi Tawi

Nagkaroon ng katuparan ang mga proyektong ito sa malinis na pamunuan ngayon ng ARMM bukod kasi sa mga repormang dito ay pinatutupad sinisiguro nilang ang mga proyektong tulad ng ganito ay makarating sa iba't iba nating mga kababayan.

Sisiguruhin nilang maipapatupad ng tama ang mga proyektong ito sa lalong madaling panahon bukod pa sa kalsada at mga tulay na ito na napakikinabangan na ng mamamayan.

SOT Emil Sadain
        DWH ARMM

Para sa mga taga rito simple lang ang mensaheng naipararating sa kanila ng pamahalaang Aquino at ng ARMM. Ang mensaheng hindi sila pinababayaan at ang mga kaganapang ito sa kanilang lugar ay masasabing katuparan na ng kanilang mga pangarap.