Tuesday, 6 November 2012

DFA, kinumpirmang pilipino ang driver ng sumabog na 'Gas Tanker' sa Saudi Arabia

Ginagawang lahat ng paraan ng  Philippine Embassy sa Riyadh na makausap ang Pilipinong driver ng fuel truck na sumalpok sa poste ng flyover saka sumiklab sa Riyadh, Saudi Arabia noong Nobyembre a uno.

 Ayon kay Vice Consul Redentor Genotiva  patuloy pa rin nilang sinusubukang pakiusapan ang mga awtoridad sa Saudi upang payagan silang makausap man lang o makita ang nakakulong na si Ruben Kebeng.

Lahat umano ng effort ay kanilang ginagawa ngayon para mabatid din ang lagay ng pinoy driver.

Ipinaliwanag naman ni Genotiva na ipinagbabawal talaga sa Saudi ang makausap ang mga akusado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa anumang aksidente.

Siniguro naman ng Saudi authorities na mabigyan ng abogado ang Pinoy driver para maipagtangol nito ang kanyang sarili.

Ayon pa sa Vice Consul nakausap na rin nya ang ilang mga katrabaho ni Kebeng at ito ang ilan sa kanilang kwento.

Tatlo anya sa apat na truck ang may dalang liquefied natural gas (LNG) at kabilang dito ang kay Kebeng na siya ring nangunguna sa convoy.

Ang mga kasamahan ni Kebeng ang siyang nagkumpirma na ito ang nagmamaneho ng naaksidenteng truck.

Matatandaang 22 ang nasawi sa pagsabog sa Riyadh, kabilang na ang isang Pinoy na si Florentino Santiago.

May 14 pang Pinoy ang kasama sa higit 100 sugatan sa nasabing aksidente.

No comments:

Post a Comment