Thursday, 8 November 2012

25th ALIW Awards Night, isasahimpapawid ng PTV-4

Matapos ang matagumpay na Famas Awards kamakailan na isinahimpapawid ng Peoples Television, isa na namang awards giving body ang nakipag tie up sa Telebisyon ng Bayan para magsahimpapawid ng ika-25th Silver Awards night na gagawin sa Manila Hotel sa darating na November 26, 2012.

Ayon sa pamunuan ng Aliw Awards ngayon pa lamang ay mabusisi na nilang sinusuri ang mga nasa industriya ng entertainment para maipagkaloob sa mga deserving artist ang prestiyusong parangal sa mga ito. 

Siniguro naman ng pamunuan ng Telebisyon ng Bayan na maisasahimpapawid ang 25th Silver Awards night sa buong bansa sa pamamagitan ng lahat ng mga himpilan ng PTV. Ayon pa kay GM Cleo Donga-as hangad lalo ng PTV na maiangat ang mga talentong Pilipino at mabigyang halaga ang mga kultura ng bawat Pilipino.


SOT Junne Quintana
        VP Aliw Awards

SOT GM Cleo Donga-as
         PTV

Yumaong sina FPJ at Dolphy, gagawaran ng parangal dahil sa naiambag sa industriya ng pelikula

Bibida sa gaganaping Metro Manila Film Festival Awards Night sa Disyembre 27 sina Fernando Poe Jr at Dolphy. Ito'y matapos kumpirmahin ng MMFF na ibibigay sa mga ito ang pagkilala dahil sa malaking kontribusyon nila sa larangan ng pelikula.

SOT Chairman Francis Tolentino
         MMDA


Halos kumpleto ang executive committee ng MMFF sa katatapos na pulong ng mga ito para paghandaan ang pinananabikang pagtatanghal tuwing panahon ng kapaskuhan. Malaking kaibahan ang mga nakalinyang pelikula ngayong taon dahil sa pagbubukas ng pagkakataon sa mga independent films na mapasali sa nasabing patimpalak.

Maging ang mga kabataang gumagamit lamang ng cellphone na may kakayahang gumawa ng short films sa loob lamang ng isang minuto itatampok din sa taong ito.

SOT Ms. Boots Anson Roa
         Member ExeCom MMFF

E-Tagging system, opisyal nang inilunsad ng MMDA


Inaasahang mababawasan na at dahan dahang mawawala ang mga kolorum na naglipana sa mga kalsada ng Metro Manila. Ito'y matapos ng lumagda sa kasunduan ang MMDA, transport groups at LTFRB. Ito'y sa opisyal na paglulunsad ng E-Tagging na syang palatandaan kung ang isang sasakyang bumibyahe ay kolorum o hindi.

Nilagyan na rin ng E-Tagging ang mga sasakyang ito na dinala sa compound ng MMDA. Ayon kay Chairman Francis Tolentino mas pa-iigtingin nito ang batas laban sa mga illegal na bumabyahe sa Metro Manila gamit ang mga vehicle identification at mga chip database.

SOT Chairman Francis Tolentino
         MMDA

Ang proyekto ay suportado ng LTFRB. Para sa kanila, malaking bagay at solusyon ito sa matagal ng problema ng kolorum. Tinatayang mahigit apat na daang piso ang gagastusin ng isang operator para dito.

SOT Atty. Sona Tamayo
         LTFRB

Aminado ang sektor ng transportation na di nila kayang bantayan ang kanilang hanay sa dami ng mga ito. Kaya't ganon na lamang ang kanilang pagsuporta sa proyektong ito na marami ang makikinabang.

SOT Cong Zeny Maranan
         ONE UTAK

SOT Rolando Marquez

SOT Ka-Obet Martin
        Pasang Masda

Wednesday, 7 November 2012

JBC, ipinalabas na ang shortlist ng 7 nominado para sa posisyong Associate Justice

Nagpalabas na ng shortlist ang Judicial and Bar Council para sa mga kakandidato ng nabakanteng posisyon ng Associate Justice ng kataastaasang hukuman. Nangunguna sa talaan na nakakuha ng tig pipitong boto ay sina government chief peace negotiator Marvic Leonen, Energy Secretary Raphael Lotilla, Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes at CA Associate Justice Rosemarie Carandang.


Nakakuha naman ng tig aanim na boto sina Court of Appeals Justice Jose Reyes, Noel Tijam at limang boto naman ang nakuha ni La Salle Law Dean Jose Manuel Diokno.

Matatandaan na siniguro naman ni Dean Leonen ang pagiging independentt nito sakaling palarin siya na maitalaga bilang Supreme Court Justice. Binigyang diin pa nito sa panayam ng JBC na nanominate na sya noon pa bago pa man na maganap ang framework agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front.

Tulad ng dati ang naturang shortlist na ito ay isusumite kay Pangulong Aquino III kung saan naman pipili ang punong ehekutibo ng papalit sa nabakanteng pwesto ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Tuesday, 6 November 2012

DFA, kinumpirmang pilipino ang driver ng sumabog na 'Gas Tanker' sa Saudi Arabia

Ginagawang lahat ng paraan ng  Philippine Embassy sa Riyadh na makausap ang Pilipinong driver ng fuel truck na sumalpok sa poste ng flyover saka sumiklab sa Riyadh, Saudi Arabia noong Nobyembre a uno.

 Ayon kay Vice Consul Redentor Genotiva  patuloy pa rin nilang sinusubukang pakiusapan ang mga awtoridad sa Saudi upang payagan silang makausap man lang o makita ang nakakulong na si Ruben Kebeng.

Lahat umano ng effort ay kanilang ginagawa ngayon para mabatid din ang lagay ng pinoy driver.

Ipinaliwanag naman ni Genotiva na ipinagbabawal talaga sa Saudi ang makausap ang mga akusado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa anumang aksidente.

Siniguro naman ng Saudi authorities na mabigyan ng abogado ang Pinoy driver para maipagtangol nito ang kanyang sarili.

Ayon pa sa Vice Consul nakausap na rin nya ang ilang mga katrabaho ni Kebeng at ito ang ilan sa kanilang kwento.

Tatlo anya sa apat na truck ang may dalang liquefied natural gas (LNG) at kabilang dito ang kay Kebeng na siya ring nangunguna sa convoy.

Ang mga kasamahan ni Kebeng ang siyang nagkumpirma na ito ang nagmamaneho ng naaksidenteng truck.

Matatandaang 22 ang nasawi sa pagsabog sa Riyadh, kabilang na ang isang Pinoy na si Florentino Santiago.

May 14 pang Pinoy ang kasama sa higit 100 sugatan sa nasabing aksidente.