Wednesday, 12 September 2012

Pagdiriwang ng Bonok-Bonok Festival sa Surigao City, naging masaya at makulay



Minsan pang pinatunayan ng mga taga Surigao City kung gaano kaganda ang kanilang Bonok Bonok Maradjaw, Karadjaw Festival. Mula sa street dancing na dinumog ng publiko at dance competition na pinakang finale sa pagkilala sa kanilang patron saint na si San Nicolas De Tolentino.

Ipinakita nila ang kakaibang galing na nagdulot ng saya sa lahat ng sumasaksi sa festival. Ito na ang pang dalawampu't walong pagdiriwang ng mga taga rito bilang pasasalamat sa kanilang masaganang ani, maraming huli sa pangingisda at magandang buhay.

At dahil sa sayang dulot nito sa mga dumadalo mukhang mauulit pa ito ng mauulit.

SOT Mayor Ernesto Matugas
         Surigao City

Noong una masaganang ulan lamang ang kanilang hiling subalit dahil sa ipinagkakaloob naman sa kanila ay sapat na ito para pasalamatan nila ang kanilang santo.

Bahagi din ng festival ang paghahanap ng kanilang Queen of Festival na pinatunayan naman ng mga ito sa galing nila sa pagsasayaw hawak ang kanilang santo.

Ang ilan nga sa kanila tulad ng nanalong ito di na halos madala ang kanyang suot dahil sa bigat.

Pero baliwala pa rin makapag perform lang ng maayos at maging masaya pang lalo.

SOT Weddy Grace Yparrague

Lahat ng mga lumahok di mo kakakitaan ng pagod, bukod sa kanilang mga bihis na talaga namang pinaghandaan. Inspirado silang gawin ito habang pinapanood ng maraming mga turista. Suportado ng Department of Tourism ang festival kaya naman lalong dinayo ito ng mga turista hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

SOT David Umidlao
      Founder ng Bonok Bonok Festival

Walang pagsidlan ng saya ang mga mamamayan na nakasaksi ng festival dahil halos ayaw paawat ng mga kalahok sa kanilang pagsasayaw. Sabi nga ng mga taga rito darating ang panahong mas makikilala sila at dadayuhin ng marami dahil kakaiba ang kanilang Bonok Bonok Festival.  

No comments:

Post a Comment