Tuesday, 25 September 2012

Produktong Pinoy, patok sa 2012 China Asean Expo



Dinudumog ng mga kliyenteng Chinese at mga ibang lahi mula sa ASEAN ang mga produktong gawa sa Pilipinas. Ito'y dahil sa bukod sa mga kakaibang disenyo ng mga ito bihira pang makita dito. At tulad ng inaasahan madaling kausap ang mga pinoy kahit na may tag price na ang mga paninda uso rin ang tawaran at ibinibigay din nila sa murang halaga.

Hindi rin biro ang magdala ng mga produkto bukod sa malayo kailangan pang pag ingatan ng husto para di masira. Subalit para sa kanila malaking bagay ding naipapakita nila sa mga banyaga ang mga produktong gawa sa Pilipinas.

SOT Mrs. Betty Jacildo
         Filipino Exhibitor

Ang mga bulaklak namang ito ay gawa pa sa Quirino Province. Manghang mangha din ang mga mamimili dahil bagamat tuyo daw ito mukhang sariwa naman at bagay na bagay na pandekorasyon sa anumang mga okasyon.

Malaking bagay din anila ang ginawa ng ating pamahalaan na isali dito ang mga gawang Pinoy para mas lalong mai-promote ito sa international market.

SOT Emilia Fernandez
         Exhibitor

Nagpabonggahan din ang iba't ibang mga bansa sa kanilang display at syempre maging ang host country ay di nagpatalo sa kanilang iba't ibang mga paninda. Mula sa pagkain, pananamit at maging sa mga naglalakihang makinarya kumpleto ang CAEXPO kaya naman siniguro nilang mauulit pa ito sa mga susunod na taon.

Tuesday, 18 September 2012

Gawad Kalinga at Bureau of Customs, nagsama sa pagbuo ng programa para sa mga magsasaka



Dinayo ng maraming tao ang naganap na Enchanted Farm Agricultural Fare na ginanap sa Brgy. Encanto Angat, Bulacan. Magkatuwang na pinangunahan ito ng Gawad Kalinga at Bureau of Custom upang maihatid sa publiko ang kakaibang serbisyong ito na kung saan ay ang mga magsasaka naman ang direktang matutulungan.

SOT Comm. Ruffy Biazon
         BOC

May ilang linggo na ring ginagawa ito ng gawad kalinga at bawat linggo nag-iiba ang kanilang partner para mas lalong mapalaganap ang paglilingkod nila at direktang tulong sa sambayanan.

SOT Tonny Meloto
        Founder, Gawad Kalinga

Isa sa mga katulong ng Gawad Kalinga sa serbisyong ito ay ang mga taga Department of Agrarian Reform na  isa rin sa mga dahilan kung bakit dinadayo ang okasyon.

SOT Ileona Pangilinan
        PARO, DAR Bulacan

Dahil sa mga magandang intensyon ng programa di kataka takang ang mga business student na ito mula pa sa ibang bansa ay aktibo sa kanilang pagtulong sa mamamayan.

Wednesday, 12 September 2012

Paggunita sa 9/11 attack, sinabayan ng positibong programa


Kung dati ay negatibo ang dating ng alala ng September 11 Anniversay dahil sa pangyayaring ito ng terorismo, binaligtad ito ng pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos ilunsad kahapon ang website ng DPWH ARMM at Procurement of Civil Works para sa limang contract packages para sa anim na infrastructure projects at proposal on 5 feasibility study sa mga high infact projects sa rehiyon.

Ayon sa ARMM officials panahon na para tapatan ng mga proyektong pang bayan ang 9/11 para makapagdulot ito ng tulong sa sambayanan.

SOT Gov. Mujiv S. Hataman
         ARMM OIC Regional Governor

Kumbinsido ang mga opisyal ng JICA sa mga inilunsad na palatuntunan kaya't opisyal nila itong tinanggap sabay ang pagsigurong maglalaan ng kaukulang pondo sa mga programang ito.

Ngayon lamang nagkaroon ng ganitong ka-seryosong mga panuntunan sa ARMM na bukod sa magiging transparent na dahil sa website nito at sa halip na pagkakitaan ang mga proyekto nakaka-save pa ang Regional Government sa ngayon kaya naman ngayon maging sa senado hindi sila nahihirapang i-depensa ang kanilang mga budget para sa 2013.

SOT Sec. Emil K. Sadain
         DPWH, ARMM

Binigyang diin pa na kung maaayos lahat ng iba't ibang ahensya ang pamumunuan dito ito na rin ang magiging tugon sa matagal na minimithing kapayapaan sa Mindanao.

Pagdiriwang ng Bonok-Bonok Festival sa Surigao City, naging masaya at makulay



Minsan pang pinatunayan ng mga taga Surigao City kung gaano kaganda ang kanilang Bonok Bonok Maradjaw, Karadjaw Festival. Mula sa street dancing na dinumog ng publiko at dance competition na pinakang finale sa pagkilala sa kanilang patron saint na si San Nicolas De Tolentino.

Ipinakita nila ang kakaibang galing na nagdulot ng saya sa lahat ng sumasaksi sa festival. Ito na ang pang dalawampu't walong pagdiriwang ng mga taga rito bilang pasasalamat sa kanilang masaganang ani, maraming huli sa pangingisda at magandang buhay.

At dahil sa sayang dulot nito sa mga dumadalo mukhang mauulit pa ito ng mauulit.

SOT Mayor Ernesto Matugas
         Surigao City

Noong una masaganang ulan lamang ang kanilang hiling subalit dahil sa ipinagkakaloob naman sa kanila ay sapat na ito para pasalamatan nila ang kanilang santo.

Bahagi din ng festival ang paghahanap ng kanilang Queen of Festival na pinatunayan naman ng mga ito sa galing nila sa pagsasayaw hawak ang kanilang santo.

Ang ilan nga sa kanila tulad ng nanalong ito di na halos madala ang kanyang suot dahil sa bigat.

Pero baliwala pa rin makapag perform lang ng maayos at maging masaya pang lalo.

SOT Weddy Grace Yparrague

Lahat ng mga lumahok di mo kakakitaan ng pagod, bukod sa kanilang mga bihis na talaga namang pinaghandaan. Inspirado silang gawin ito habang pinapanood ng maraming mga turista. Suportado ng Department of Tourism ang festival kaya naman lalong dinayo ito ng mga turista hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

SOT David Umidlao
      Founder ng Bonok Bonok Festival

Walang pagsidlan ng saya ang mga mamamayan na nakasaksi ng festival dahil halos ayaw paawat ng mga kalahok sa kanilang pagsasayaw. Sabi nga ng mga taga rito darating ang panahong mas makikilala sila at dadayuhin ng marami dahil kakaiba ang kanilang Bonok Bonok Festival.  

Friday, 7 September 2012

Off-Roading. More fun in the Philippines



Dahil sa patok na patok ang Department of Tourism slogan na "Its more fun in the Philippines". Maging ang mga off-road distination sa bansa lalo na sa gawing norte kasama na sa mga iniindorso ngayon at malamang na pumatok din lalo na sa mga mahihilig sa larong ito.

Sa pamamagitan ng isang kilalalang brand ng sasakyan heto na hataw na ang ibat ibang commercial na makakatulong sa pagpropromote ng ating bansa.

May ilang araw ding pinagkaabalahan ang pagawa ng commercial na ito para maging kaaya-aya sa mga manonood at mahilig dito.

Grabe ang pasalamat nila sa DOT dahil sa pagiging bukas nito sa ideyang pagsamahin ang mga magagandang lugar sa bansa at ang kanilang sasakyang simbolo ng sports na ito.

Kabilang sa mga lugar sa Ilocos Norte na bumida sa video ay ang Bangui Windmill sa Bangui, Icolos Norte, Sandons sa Suba, Laoag City at Patapat bridge sa pagudpud at maraming pang iba. Sabi nga nila, talagang its more in the Philippines.