Minsan pang pinatunayan na pagdating sa pangangalaga sa Inang kalikasan, walang pinipiling sektor o grupo, dapat lahat nagkakaisa.
Kamakailan ilang bahagi ng SCTEX ang sama-samang tinaniman ng puno ng Mahogany at ilang mga bakanteng lupain sa Hermosa, Bataan.
Kasama ang mga sundalo ng Philippine Army, mga pulis ng lalawigan at mga mag-aaral na di alintana ang pagod maging kabahagi lamang ng pangangalaga ng Inang kalikasan.
Ayon sa mga ito, panahon na kasi ng sama samang pagkilos kahit na sa sabihin pang magkakaiba ang paniniwala sa pulitika.
Marami ng mga pangyayari sa Pilipinas ang nagbabadya na kung di tayo kikilos ngayon eh kelan pa.
SOT: Mayor Danny Malana
Hermosa, Bataan
Kumbinsido ang mga miyembro ng kongreso sa mga programang pinatutupad ng Pangulong Aquino pagdating sa kalikasan.
Kaya naman hindi nakakapanghinayang na suportahan ang mga programang inilatag ng DENR kung paano pa mapapangalagaan ang kalikasan.
Kaya naman sa mga programang pinapatupad ng lokal na pamahalaan ang kongreso labis ang pag-alalay.
SOT Rep. Albert garcia
Bataan
Ipinakita rin ng pamunuan ng BCDA na pag dating sa pangangalaga sa kalikasan todo suporta sila dito.
Kaya naman kahit inabot ng matinding init ng sikat ng araw baliwala sa lahat ng mga lumahok sa pagtatanim ng puno.
Na kung di man ngayon natin makikita ang positibong dulot nito sigurado namang ang susunod na henerasyon ang siyang makikinabang.